Kaisipan ko sa Bagyong Ondoy

29 Sep

Kaisipan Ko sa Bagyong Ondoy

(Parang habag nyo na, basahin nyo to)

Eto, sinipag na naman akong magsulat. Ang tagal din ang lumipas bago masundan yung ginawa kong maikling kwento. Siguro ay malapit ng magdalawang taon. Matapos nun eto na ang kasunod. Nga naman, bakit ba ako muling nakapagsulat? Siyempre, gusto kong makialam sa nangyari ngayon sa bansa ko. Nga naman, sino bang hindi magugulat sa nagging epekto ni bagyong Ondoy sa Pilipinas? Maging ako man ay hindi ko inaasahan ang ganitong pangyayari. Nakakalungkot, dahil muling bababa ang pagunlad ng bansa at mahihrapang umusad ang naghihingalo nitong ekonomiya. Ang bansang lkakad pagong sa pag-unlad ay heto’t nagdudusa sa isang delubyong dumating.

Ayon sa tala ng PAGASA ay hindi kabilang sa nangungunang sampung bagyo si Ondoy. Isipin nalang natin paano pa ang epekto nito kung nakasama sa sampu? Madaming ari-arian ang nawala at naglaho. Madaming buhay ang nalagay sa peligro. Madaming tao ang naantig ang damdamin. At aminin nating, madaming tao ang muling tumawag sa Diyos at sa Kanya’y nagtiwala (awts b? tsk3x tinamaan ka cguro.)

Setyembre 26, 2009, sikat na sikat ang pangalang Ondoy. Maghapong binabanggit ang pangalang ito. Sa lahat ng lugar, sa Maynila, Lungsod ng Quezon, Valenzuela, Marikina, Pasig, Mandaluyong, Antipolo, Rizal at maging ang mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Laguna ay naging sikat si Ondoy. Dinaig pa niya ang pangalang Marian Rivera at Angel Locsin na laging pinaghahambing kahit walang kwenta at puro kasiraan at kapangitan ang alam sabihin ng mga fans. Mas mailangawngaw pa ang bagsik niya kumpara sa bagsik ni Pacman. Mas mataas pa ang tinig niya kesa kay Regine na kitang kita sa taas ng bahang dinala nya. At ang mga istoryang naisalaysay ay mas nakakaiyak pa kesa sa mga dramang ipinapalabas sa telebisyon na iisa lang ang tema, pawang pangongopya at walang pag-unlad.

Sino ba talaga si Ondoy? Si Ondoy ay isang batang lansangan na dahil sa bagsik at lupit ng kanyang mundong kinamulatan ay naghatid sa kanya ng masamang kaisipan upang panagutin ang lahat ng nagkasala sa kanya. Kumbaga siya ay nalikha dahil sa kasalanan at kabuktutan. (Weh, di nga?) Eto na talaga si Ondoy. Si Ondoy ay ang panglabinglimang bagyong pumasok sa Pilipinas na sumunod kay Maring at Nanang. Magsimula bilang tropical depression na pumasok sa bansa at naging bagyo. At ayun, matapos papasukin ng Pilipinas ay nanira na. Walang ipinagkaiba sa mga Kastila, Hapon at Amerikanong walang alam gawing kung hindi pagsamantalahan ang mutya kong bansa at sirain ang mga tagong yaman nito. Yun nga lang unconscious si Ondoy, di tulad nung mga nabanggit na mananakop na talagang pinag-isipan ang pananalantala sa Pilipinas.

Anu nga ba ang naidulot ni Ondoy? Ayun, madami lang mnamang kabuhayan ang nasira. Unahin na natin diyan ang mga palay sa gawing Bulacan. Iyon ay isa sa mga pinagkukunan nila ng kabuhayan, matapos gastusan sa pataba, magpakahirap sa pag-aararo at bagbabantay laban sa mga maya at ibang peste (kasama na diyan ang bulok na sistema ng pamahalaan) ay isang ihip at sigaw ni Ondoy ay biglang higa lahat ng palay. Kung sana ang pagtatanim ay katulad lang ng larong Farm Town at Farm Ville. Taniman mo, ayos lang kahit walang pataba at hindi mo bantayan ay siguradong aani ka at kikita. Sa totoo lang, ang yaman ko na sa Farm Town. Pero kabaliktaran ang nasa realidad. Lalo na kung mapapadaan ka ngayon sa NLEX. Nakakalungkot dakil ang naging alaala ni Ondoy ay puro tubig. Wala kang makikita sa bukid kundi mga dahon na lamang ng puno ng buko. Ganoon kalalim ang tubig sa lugar na iyon. Binalutan ng maduming tubig ang buong bukid.

Pangalawa, mga bahay na lumubog sa tubig baha. Mga ari ariang inanod ng mga agos ng tubig. Mga batang nagugutom (kahit laging madaming nagugutom sa Pilipinas.) at anu pa? mga taong halos mawalan na ng pag-asa sa buhay.

Pangatlo, ang trapikong natrapik (anu daw?) mga sasakyang panlupang hindi na mapapakinabangan. Mga sasakyang lumutang. Mga taong na-stranded at nahirapang makauwi at makahanap ng ligtas na lugar. Tunay nga namang nakakalungkot, dahil may isang establisyementong hindi nagpatuloy ng mga tao para may masilungan at makaiwas sa baha. Napaka walang puso ng ginawa niya. Hindi naawa sa mga taong hindi alam ang gagawin.

Pang-apat, mga kabuhayang naantala, naperwisyo, nasira, at kung anu-ano pa. Mga kabuhayang nasalanta ng bagyo. Mga produktong kasamang inanod ng mga basurang nakakalat sa daan at sa ilog. Mga gusaling nasira at mga pag-unlad sana na naantala. Mga ospital na nasiraan ng mamahaling mga aparato, mga gamot na nasayang, mga pasyenteng nagsisiksikan at mga pasyenteng nasa alangin na ang kalusugan at buhay. (Nagutom si Ondoy, kaya pati ang Jolibee Kalentong ay kinuhanan nya ng pagkain.)

Panlima at pinakahuli dahil wala na akong maisip, mga buhay na nawala, mga buhay na sumama na sa pag-alis ni Ondoy. Nakakalungkot dahil hindi na nagawang iligtas pa ang mga buhay nila.

Kapansin pansin na madaming mayayaman ang nasalanta ng baha. Malamang, dumami ang rubber boat ng bansa dahil magdodonate ang mga mayayamang ito na naranasan ang mapeste ng baha. Isa pa, iba talaga pag mayaman at may kaibigang mayaman. Kita mo, nailigtas si Cristine Reyes dahil sa tulong ng mga kaibigan nya? Sana naman ay tumulong din ang mga tumulong kay Cristine Reyes para iligtas ang ibang buhay na nasa panganib dulot ng baha (sabagay, may pelikula nga pala sila kaya kailangan yun for publicity.) Hindi lamang si Cristine Reyes ang nailigtas ng mga kaibigan nya, madami ding ibang artista, un nga lang, medyo naumay ako sa laman ng balita dahil puro si Cristine Reyes ang highlight at lumalabas na si Richard Gutierrez ang hero niya. Pustahan malamang maging sila.

Isa sa naging problema ay ang pagsagip sa mga taong inabot ng baha. Kakulangan sa kagamitan para sa mga rescue operations. Bakit hindi paglaanan ng budget ang mga ganitong pasibilidad at mga kagamitan? Sana nama’y hindi kinukurakot ang pondo ng bayan. Mangurakot man kayo ay sana alam nyong nasa mabuting kalagayan ang mga tao nyo at sasapat sa kanila ang ititira nyong pera. Mga utak buwaya talaga kayo. Mga plastic pa. (Yoko na nga, itigil na natin to, baka ipahunting ako ng mga makapangyarihan at ipapatay ako)

Isang babala para sa mga kapwa kong Pilipino, sa ganitong pangyayari ay malamang lulutang na naman ang mga trapong pulitiko. Magpapanggap na sila ay mabait at inaasam ang kabutihan nyo, un pala ay mabait sa inyo dahil inaasam ang kabutihan nila. Wag palilinlang sa mga maskara nilang nakakabit sa mukha.

Isa ito sigurong babala ng kalikasan para matutunan nating sila ay pahalagahan. Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya ay nalilimutan na nating mahalin at alagaan ang isang bagay na simula’t sapul ay gumagabay at kasama na nating lahat. Nakakalimutan natin silang ipaglaban sa oras na sila ay naagrabyado. Masyado na tayong nagiging makasarili at umaasa sa mga materyal na bagay. Nakakalimutan na din nating kausapin ang Diyos, siguro namimis na nya tayo kaya gumawa siya ng dahilan para muli natin siyang kausapin. Hindi pa naman huli ang lahat, nawa’y mapunan natin ang mga responsibilidad natin at pagkukulang sa mga bagay na dapat pahalagahan.

Teka, isa pa nga pala, panu nga naman natin pangangalagaan ang kalikasan kung hindi natin alam kung paano? Paano natin pangangalagaan kung walang batas na nagsasaad nito? Paano natin pangangalagaan kung walang tamang batas na tunay at totoong batas na nagsasaad nito. Palibhasa ang mga batas ngayon ay nakasandig lamang para sa kaunlarang material ng iba at kakaunting tao na sila mismo ang nagmamanipula.

Mga kababayan ko, wag tayong mag-alala, makakaahon din tayo sa trahedyang dinaranas natin ngayon. Madaming tao pa naman ang bukal sa puso ang pagtulong, hindi lang naman ito ang unang pagkakataong nagyari ito sa atin, madami na, ngunit nagawa pa din anting lusutan at nagawa padin nating bumangon. Ito marahil ay isang babala at panawagan upang matuto tayong bigyang pansin at halaga ang mga bagay na unti-unti nating nalilimutan. Panahon nadin para pakinabangan natin ang mga trapong lingkod-bayan.

Muli, wag tayong mawawalan ng pag-asa, kailangan natin ng pagtutulungan para sa mabilis na pag-usad mula sa pagkaduhaging ito.

At salamat kaibigan sa paglalaan ng oras upang iyong basahin ang nakakatamad kong sanaysay. Nawa’y hindi ka magalit sa akin sa pagsayang ko ng oras mo. At nawa ay naibahagi mu din sa iba ang tulong mo lalo na sa panahong ito.

About these ads

2 Responses to “Kaisipan ko sa Bagyong Ondoy”

  1. chA25 January 25, 2010 at 12:25 pm #

    bravO bravO bravO bravisimO!!!????
    anG ganDa ng pagkAka-explAin!!! huH…
    i lyK it!!!
    saNa gumAwa ka naMan nanG artiCle tungKol sa mGa lOve at adventorous stories!!! jejejejejeje….
    uR so cReativE!!!!

  2. jasmine February 1, 2010 at 1:44 am #

    Napakaganda naman ng iyong sanaysay..! =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: